Green Thumb in Training

April 12th, 2017

Sobrang init ng panahon ngayon. Pero kahit na saksakan ng init sa labas, madalas pa rin kaming mag-trip nitong bosing ko sa paghahalaman. Kung kelan makaisip, larga. Kung saan may magandang mga supply ng halaman, gora. Nakakatulong sa akin na ma-appreciate lalo ang iba’t ibang klase ng mga tanim at kung paano sila alagaan.

Sa ngayon, halimbawa – napuno ang aming rooftop ng sari-saring halaman. May namumulaklak, mayroong dapat nasa full sun, may ibang dapat nasa shade lang. Meron ding mga herbs, succulents at cacti gaya ng nabanggit ko sa aking previous posts.

Heto na sila! Enjoy!

adeniums! ang gaganda ng mga bulaklak nito. sobra

succulents and cacti =)

 

Roses na matitingkad ang kulay pag nasa full sun sila

herbs!

at iba pa!

Comments are closed.