Gastronomic Charaughts

July 8th, 2017

One of the things I love doing is going on “food trips” whether on a resto, on a “point-point” (turo-turo), or practically anywhere else where there’s food to eat.

Am at peace with my introvert side that’s why it’s always a treat to go on my own. Didn’t I mention I go on movie date by myself, too? It’s a thing only people like me understands. People like me possess a certain affinity with solitude. Yung tipo na mas nagiging malinaw ang mga bagay kapag mag-isa mo lang. Di ko nga alam kung bakit ako nag-asawa eh. Jokeeee!

Eniweys, I did groceries this afternoon at SM SaveMore. At bilang nagutom ang mga alaga ko sa tiyan, dumiretso ako sa Marquez. Isa yan sa mga gusto kong kainan dito sa amin. Malinis, masarap ang luto, oks ang ambiance. In short, pwedeng pang-digmaan. Kidding aside, dito talaga ako madalas magka-kain kumpara sa mga ibang sikat na food outlets or fastfood chains. My personal favorite is their pancit malabon. Perfect ang kombinasyon ng mga ingredients at swak sa panlasa ko. I also love their siopao.

Kanina may nakasabay akong tatlong mga mudrakels. Mga kasing-edad siguro ng Nanay ko, may mga dalang brochures ng Avon. Nag-uusap sila habang kumakain. Na-miss ko tuloy si mother nature. Sa amin kasi pag umuuwi ako, madalas ko ding isama ang nanay ko sa mga food trips ko doon. Mahiyain ang nanay ko, kaya hahayaan nya lang akong umorder, although tinatanong ko naman siya, nanay gusto mo ba ito? o mas gusto mo ba yung isa? Tatango lang yan. (Pero feeling ko, mas gusto nyang perahin ko na lang hahaha).

Nakakatuwa din na siya mismo ay masarap magluto. Baka nga tinatandaan nya ang mga kinakain namin, magugulat ka na lang pagdating sa bahay, alam nyang lutuin. Na hindi ko masyadong minana. Sana lang, nakuha ko ang bertud nya sa pagluluto pero sa isang kapatid ko niya naipasa!

Ayon. Ililibre ko na lang ulit sya sa Pasko. Inaantok na ako, ay heb to sleep na.

 

Comments are closed.